Tuesday, December 2, 2014

Nahuli Ko Si Crush


Isang araw sa loob ng aming silid aralan
Nakatingin ako hindi sa guro, hindi rin sa pintuan
Para bang naka-glue ang mga mata ko sa kanya
Palagi akong napapatitig kay crush sa tuwina

Hinding hindi ko malilimot ang mga araw
Na nahuhuli niya akong sa kanya ay nakatanaw
Pinangarap kong sana'y lamunin ako ng lupa
Binuhusan yata ako ng tubig sa sobrang hiya

Subalit ika nga ng mga nananalig
Hindi ka raw mahuhuli ng crush mo na ika'y nakatitig
Kung wala siyang intensyong sayo ay tumingin
Kaya pinanindigan ko ang akong damdamin

Biglang may naramdaman ako na makati sa aking ilong
Di ko matiis, naipasok ko ang daliri at doon humantong
Habang nangungulangot, ako'y napatigil
Si crush ay nahuli kong nakatitig na pala sakin

No comments:

Post a Comment